Vhong Navarro Shares Lesson From Deniece Cornejo Experience (Video)



Vhong Navarro

Vhong Navarro
Credit: ABS-CBN News

Vhong Navarro was released from St. Luke’s Medical Center on Thursday, February 6, 2014. The “It’s Showtime” co-host was confined for after getting mauled by the group of Deniece Cornejo, Cedric Lee together with at least four other men last January 22.

In an interview with Korina Sanchez of ABS-CBN’s TV Patrol, Vhong Navarro was very thankful to all the fans who supported him in his ordeal. Vhong Navarro also shared his thoughts about the lessons he learned from the traumatic experience.

The Department of Justice has set a preliminary investigation of the case filed by Vhong Navarro and Deniece Cornejo on February 14 while the second hearing is scheduled on February 21.

The following statements are part of Vhong Navarro’s one-on-one interview with Korina Sanchez.

Akala ko po katapusan ko na, e. Akala ko po mawawala na ako.

Gusto ko pong maging klaro muna ‘yung utak ko. Honestly, hindi ko po magawang magdasal muna that time. Kasi parang pinapalikas pa siguro ni Lord ‘yung damdamin ko na, ‘Dapat mag-focus ka.’

Kasi ang sabi po sa akin ng mga doktor, sa mga tama ko po, pwede po akong himatayin. Sa mga tama ko po, pwede ako mabulag. Ang sa akin no’n, kailangan mag-focus ako. Kasi natatakot po ako no’n, sobra. Ang gusto ko lang mangyari, matapos na ito.

Bawal po akong magsisigaw, e. Bawal magsalita. Kasi do’n po ako sinasabihan na, ‘Pag sumigaw ka, papatayin namin ang mga anak mo. Papatayin namin mga magulang mo. Papatayin kita.’ ‘Yung ginugulpi nila ako, nagawa na po nila at may dalang baril. Kaya pwede po nilang gawin iyon.

Video po iyon na kailangan ko raw sabihin na, ‘Ako si Vhong Navarro, nang-rape ako ng kaibigan.’ Iyon po ‘yung hawak nilang video. Dalawa po ang kumuha no’n, naalala ko po.

Kaya po sila gumawa ng blotter laban sa akin, iyon po ay para proteksyon nila laban sa akin, kung sakaling magsumbong ako o gumawa po ako ng ibang aksyon.

Kasi po, ang iniisip ko po, hindi lang ang sarili ko, e. Pati po ‘yung mga anak ko po, pamilya ko po. May gagawin po silang hindi maganda, balak po nilang patayin.

Hindi ko po alam, e. Kasi una, tinanong ko siya (Deniece) kung may boyfriend siya. Sabi niya wala. Hindi ko alam kung boyfriend niya si Cedric, hindi ko po alam. Kaya nagulat nalang po ako nung time na gawin nila sa akin ‘yung pambubugbog, ‘yung video na pang-blackmail nila ta’s hiningan po nila ako ng pera.

Wala po akong kasalanan kay Deniece.

Kita naman po sa CCTV, wala po akong pwedeng rape-in doon, dahil po ang kasama ko doon, dalawang lalaking armado. Kitang-kita po sa CCTV, bumaba po siya (Cornejo), iniwan niya po ako doon. Hindi po ako pwedeng sumunod sa kanya because merong nakatutok sa aking baril. At naka-duct tape narin po ako.

Wala po akong kasalanan kay Deniece. May kasalanan po ako sa girlfriend ko. Doon po ako nagkasala. Doon po ako nagkasala, sa kanya po. Wala po akong kasalanan kay Deniece.

Kasalanan ko na pumunta ako sa condo, kahit may girlfriend ako. Kaya sobrang humihingi ako ng tawad sa girlfriend ko, sobra-sobra po.

Kahit ganito ang nangyari, mas iniisip niya parin ako.

Kung hindi ako magsasalita, kung ibibigay ko ‘yung gusto nila, feeling ko hindi rin ako matatahimik, e. Ginagawa ko rin po ito dahil ayoko nang maulit ito, ayoko nang maulit sa kapwa ko artista, ayaw ko na pong maulit ito sa mga ordinaryong tao.

Below is the latest video of Vhong Navarro.


Filed Under: ENTERTAINMENT

Tags: , , , , , , , ,


Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.